Una sa Balita

Mandatory test sa PEDs, itutulak ng PBA — Kume

By
0 1,652

Ipapanukala ni PBA commissioner Willie Marcial ang pagkakaroon ng random o mandatory drug testing para sa mga PBA player bilang tugon sa isyung kinakaharap ni NLEX rookie Kiefer Ravena.

Inamin ni Marcial na maluwag ang patakaran ng PBA pagdating sa performance enhancing drugs o PEDs kaya’t sisimulan na rin nitong maghigpit upang ihalintulad ang kanilang drug testing sa World Anti-Doping Agency (WADA).

“We only do tests for social drugs on our players, (marijuana, shabu and ecstacy). But for performance enhancing drugs we are just about to implement that,” litanya niya.

Mainit rin ang usapan na maaari ring masuspinde ang 24-anyos na si Ravena sa PBA, Asian Games, SEA Games o Olympics sakaling magpataw ng suspensyon ang Games and Amusement Board sa lisensiya ni Ravena bilang basketbolista.

“We can suspend him while we study the case or we study the case before the suspension comes. But only if needed,” ha­yag ni GAB chairman Abraham Mitra.

Malaking dagok ito sa karera ni Ravena lalo na’t isa siya sa frontrunner sa PBA Rookie of the Year award ngayong taon.