Una sa Balita

Mandatory drug test suportado ng mga bagong SK

By
0 873

SUPORTADO ng libong mga bagong halal na opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Quezon City ang pagsasagawa ng mandatory drug testing sa kanilang hanay.

Ito ay ang tugon ng mga newly elected SK official ng QC na nakiisa kahapon sa ginanap na SK Drug Education Prevention Program na pinangasiwaan ni QC Vice Mayor Joy Belmonte bilang Chairman ng QC Anti-Drug Abuse and Advisory Council (QCADAAC) sa Amoranto Sports Complex QC.

Sa forum ay sinuportahan ng mga bagong halal na opisyal ng SK ang pagtatanong ni Belmonte sa kanilang hanay kung nais sumailalim sa mandatory drug testing ang kanilang hanay upang matiyak na drug free ang lahat ng uupong mga bagong SK official sa QC.

Dito, ipinaliwanag din ni Belmonte sa mga nabanggit ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang drug free barangay upang mabigyan nang maayos na serbisyo ang nasasakupan.

“Mayron tayong mga ordinansa sa ating lungsod tungkol sa mandatory drug testing, drug free workplace at bilang isang halal na opis­yal, kailangan tayong mag-comply dito, oras na malaman na kayo ay hindi compliant at nalaman na kayo ay gumagamit ng illegal drugs, irereklamo kayo sa DILG na posibleng matanggal kayo sa inyong posisyon,” paliwanag ni Belmonte.

Sinabi rin nito na ang QC ang kauna-unahang LGU sa buong bansa na nagpatupad nang maa­yos na sistema hinggil sa Anti-drug campaign kaya ang lungsod ang modelo nga­yon sa buong bansa at tinutularan ng ibang lokalidad hinggil sa programa laban sa illegal drug.