Una sa Balita

Mandaluyong Police nasorpresa sa drug test

By
0 386

AGAD ipinatawag ni Easter­n Police District (EPD) Director P/Chief Supt. Reynaldo Biay ang lahat ng kapulisan na sakop ng Mandaluyong City Police para isailalim sa surprise drug test, kahapon nang umaga.

Ayon kay EPD Director Biay, bahagi ito ng internal cleansing program ng Philippine National Police (PNP) kaya agad na ipinatupad matapos iutos ni P/Chief Supt. Guillermo Eleazar, regional director ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), na isailalim sa surprise drug test ang kapulisan ng EPD na sakop ang Pasig, Marikina, Mandaluyong at San Juan Police Statons.

Dagdag pa ni Biay na layunin nito na matiyak na lahat ng EPD-PNP uniformed at non-uniformed personnel ay hindi gumagamit ng iligal na droga. Bandang alas-nuebe kahapon nang umaga nang isinagawa ang surprise drug test sa mga personnel ng Mandaluyong Police Station.

Nasa 17 personnel mula sa first shift ng Mandaluyong PNP ang naisailalim sa random drug test ng EPD Crime Laboratory personnel, sa pangunguna ni P/Chief Insp. Dante Javiñas.

Nagnegatibo naman sa MET/THC drug test ang 17 personnel habang nakatakdang sampahan ng kasong administratibo ang sinumang pulis na mag-positibo sa paggamit ng iligal na droga.