Una sa Balita

Manaoag church bantay-sarado kontra terorismo

0 270

MAHIGPIT na binabantayan ngayon ng military at pulis ang simbahan ng Manaoag sa Pangasinan dahil umano sa nakuhang intelligence information ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) na isa ito sa mga target ng Isla­mic State of Iraq and Syria (ISIS) na pasabugin.

Ayon kay Minor Basilica of Our Lady of the Most Holy Rosary officer Fr. Anthony Eudela, kinukunsidera niya na ‘very serious’ ang nasabing pagbabanta ng tero­rismo sa Manaoag church kaya magkakaroon ng tight security ang bisinidad ng buong simbahan pati na ang nasabing bayan para sa kaligtasan ng mga re­sidente.

“We took that information very seriously. We have to heighten the security measures we have,” ani Eudela.

“After we have received the information, nag-meeting kami agad with the (local government unit), the PNP (Phi­lippine National Police), regional command, and the Armed Forces of the Philippines kasi may kampo rin dito na malapit sa basilica,” dagdag ni Eudela.

Inatasan na rin ni PNP Director General Oscar Albayalde ang lahat ng kanilang mga tauhan hindi lang sa Northern­ Luzon, kundi sa iba pang bahagi ng bansa na maging alerto.

Sinabi ni Eudela na ang mga awtoridad at opisyal ng simbahan ay nagkaroon ng plano para bigyan ng mahigpit na seguridad hindi lamang ang basilica ngunit pati ang bayan ng Manaoag.

Matatandaan na kamakailan, nagkaroon ng intelligence report ang Armed Forces of the Phi­lippines-Northern Luzon Command na may posibleng pagsalakay ng ISIS sa mga mala­laking simbahan ng Laoag City, Manaoag, Vigan City at Tuguerarao. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy