Una sa Balita

Manalo-matalo, Pacquiao kakamal ng lampas 1B

KUWARTA PA MORE!

By
0 999

ANUMAN ang kalabasan ng laban ngayong araw ni WBA 147-pound king Manny ‘The Pacman’ Pacquiao (60-7-2, 39 KOs) kontra Adrien ‘The Problem’ Broner (33-3-1, 24 KOs, 1 NC) sa MGM Grand sa Las Vegas, garantisado na ang Pinoy boxing legend ng US$20 million (higit P1.04 bilyon) premyo.

Ayon sa mga dokumentong isinumite sa Nevada State Athle­tic Commission (NSAC), ang fight purse ng 40-anyos na fightin­g senator ay US$10 million at may karagdagan pa itong hiwalay na US$10 million bilang porsiyento niya sa kikitain ng naturang pay-per-view event.

Sa panig ni Broner, tatanggap ito ng garantisadong US$2.5 million sa bakbakan.

Pero sa report ng boxingscene.com, lampas pa umano sa US$20 million ang kabuuang makukubra ni Pacquiao kung pagsasama-samahin lahat ang kikitain niya mula sa Filipino television rights, American pay-per-view revenue mula sa Showtime at mula sa mga sponsor.

Kaugnay naman nito, pinawi ni Pacquiao ang agam-agam ng mga kritiko na baka mahirapan siya sa mas batang si Broner.

“Age is just a number. It doesn’t matter that I’m 40 years old. I still feel young. Tomorrow I have something to prove – that at the age of 40, I can still give my best. It’s my legacy to give a good fight and to accomplish all this and especially at the age of 40. I have to prove something that Manny Pacquiao is still there,” sambit ng Philippine senator matapos ang official weigh-in kahapon kung saan ay tumimbang ito ng 146 libra, mas magaan nang bahagya sa 146 ½ libra ni Broner.

Dagdag pa ng ‘Pambansang Kamao’, maaliwalas ang kanilang training camp dahil sa pagbabalik ni Freddie Roach bilang kanyang consultant.

“Having Freddie [Roach] back has helped a lot. I’m happy that the team is united. We’re so happy and satisfied with the results of this training camp,” dagdag nito.

Tulad naman ng inaasahan, abot sa langit ang kumpiyansa ng 29-taong gulang na si Broner na huhubaran ng korona ang WBA regular 147-pound titleholder.

“This is a hell of an opportunity. I’m not just doing this for me, I’m doing this for the hood. After I win tomorrow night, I’ll be a legend overnight. I just have to do me. You’ll see tomorrow night.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy