Una sa Balita

Manalo ilalabas ang alas sa US Open

0 209

NAKATAKDANG sumargo si Filipino cue artist Marlon “Marvelous Captain” Manalo sa 43rd US Open 9-Ball Championship sa Mandalay Bay Resort and Casino, Las Vegas, Nevada, USA.

Sisimulan ni Manalo na mapaganda ang kanyang world ranking nga­yong araw, magtatapos sa April 26 ang nasabing event na nakataya ang $300,000 total pot prize.

“I will pour all that I know in the cue sports,” sabi ni many-time US Pool Circuit winner Manalo. “I hope to do well in this event (US Open 9-ball).”
Matagal ding nawala si Manalo sa tournament dahil pumasok ito sa politika subalit sa kanyang pagbabalik ay nagpakitang-gilas agad ito.

Umugong ang pa­ngalan ni Manalo noong talunin sina Yang Ching-shun ng Taiwan at mga kababayang sina Efren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante sa knockout stage ng World Pool Championship noong 2004. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy