Una sa Balita

Manager ng 7-Eleven sa Batangas kinasuhan sa nawawalang P2M na kita

By
0 1,779

Nahaharap nga­yon sa kasong estafa ang isang store ma­na­ger­ ng 7-Eleven store sa Lemery, Batangas matapos matuklasang nawawala ang nasa P2 milyong kinita ng establisyemento.

Batay sa reklamo sa pulisya kamakalawa ni Jelfie Iino y Cailon, 32-anyos, area manager ng 7-Eleven store No. 212, Lemery branch, sa ginawa umano nitong pag-a-audit sa kinita ng tindahan noong Disyembre 15 hanggang 28, 2017, nasa halagang P1,091,840.00 lamang ang nakatalang kinita base sa libro ni Eric Barbin y Odiaman, 34-anyos, franchise/store operator at store manager ng 7-Eleven branch 212.

Nagkukulang umano ito ng halagang P1,143,802.57 base sa mga naibentang produkto.

Maging ang nasabing mahigit isang mil­yong kinita ay hindi rin umano naideposito sa account ng Philippine Seven Corporation.

Nakatakdang sampahan ngayon ng kaso ang suspek.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy