Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Manager nabundol, dedbol

0 241

HINDI na nakuwina ng bahay na ilang metro na lamang ang layo ang manager ng isang kumpanya nang mabangga ng isang van habang papatawid sa kalsada sa Carmona, Cavite Huwebes ng gabi .

Unang isinugod sa Pagamutan Bayan ng Carmona subalit inilipat sa Binan Doctors Hospital si Naddie Salva, 46, may-asawa, Manager ng Nidec Philippines sa Technopark Binan, Laguna at taga-Brgy Mabuhay, Carmona, Cavite subalit namatay habang ginagamot.

Hawak na rin ng pulisya ang driver ng Kia Grand Carnival van na si Gaudencio David, 48, ng San Pedro City, Laguna.

Sa ulat ni PSSgt Joel Mendoza, ng Carmona Police Station, alas-7:00 Huwebes ng gabi nang naganap ang insidente. Minamaneho ni David ang kanyang Kia Grand Carnival van patungong Binan nang mabangga nito si Salva na noon ay papatawid.

Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang katawan nito ng ilang metro. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.