Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Manager kinulimbat P20M ng S Foods Corp

0 95

Ni Nancy Carvajal

Kinasuhan ng qualified theft ng National Bureau of Investigation (NBI) ang accounting manager ng S Foods Corporation (SFC) dahil sa pagnanakaw diumano ng P20 milyon sa kanilang kompanya simula pa noong Setyembre 2020.

Ayon sa NBI, bilang accounting manager, ang akusadong si Ramon Andal Gamboa ay pinahintulutan ng management para ihanda ang financial report ng kanilang mga affiliate at related company ng SFC katulad ng Prime Nextcare Uno Corporation at PV Foods.

Nagsimula umanong magtrabaho si Gamboa sa kompanya noong Marso 2019.

“Mr Gamboa was able to withdraw/transfer funds from corporate accounts of SFC to non-related business transactions of the company,” saad sa NBI report.

Sinabi pa sa ulat na gumawa si Gamboa ng 152 unauthorized bank transaction na hindi o ayaw nito ipaliwanag at wala ring pahintulot mula sa mga nakatataas na opisyal ng kompanya.

Nadiskubre umano ang mga unauthorized withdrawal ng kanilang Chief Finance Office sa isinagawang random audit.

Naglabas din umano ng affidavit ang assistant ni Gamboa kung saan ay kinumpirma ang mga illegal bank transaction nito.

Binanggit din sa NBI report na sandaling nawala si Gamboa at hindi matunton matapos na matuklasan ang mga pekeng withdrawal.

“But after few days of hiding, Gamboa turned up and volunteered to present his laptop which he supposedly used to perform the alleged illegal transactions,” sabi ng NBI.

Sa ilalim ng batas, hindi pinapayagang magpiyansa ang mga akusado sa kasong qualified theft.

Leave A Reply

Your email address will not be published.