Una sa Balita

Manacnes, Retolado kampeon sa Compressport Forest Run

By
0 193

NAPASAKAMAY nina Novena Menci Manacnes ng Baguio City at Elmer Retolado ng Rodriguez, Rizal ang mga pangunahing karangalan sa humagibis kahapon ng umaga na Compressport Forest Run 2018 sa loob ng La Mesa Nature Reserve sa Novaliches, Quezon City.

Tinugaygay ni Manacnes, magku-43 sa Nobyembre 26, tubong Kayapa, Nueva Vizcaya pero nakabase na sa Summer Capital at kawani ng Sitel, ang 42.195-kilo­metrong arangkadahan sa loob ng 5 oras, 10 minuto’t 46 na segundo, sa pagdomina kina UP Mountaineers worker Patricia Ann Morota ng Quezon City (5:12:51) at Briton expatriate-International School Manila elementary PE teacher Carly Relf, 44, (5:51:15).

“Being a marathoner, it is not just about running, enjoy and have fun but do not over estimate yourself, maintain the best pace otherwise you lose,” reaksyon ni Manacnes, na segunda sa 2018 Sandugo Pacific Coast Ultra 100, 2nd Edition sa Gen. Nakar, Quezon Province noong Oktubre 5-7.

Pumoste naman si Retolado ng Break the limit ng 4:10:01 sa pag-upo sa trono ng full-marathon men’s division laban kina Riezel Cabanig (4:22:36) at Edison Nunez (4:38:38).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy