Una sa Balita

Mamuyac, Ateneo nilampaso ang La Salle

0 223

SA likod ng career-best ni Gian Mamuyac, tinambakan ng Ateneo Blue Eagles ang La Salle Green Archers, 81-69, sa 82nd University Athletic Association of the Philippines seniors nasketball tournament 2019 1st round elims Linggo ng gabi sa Araneta Coliseum sa Quezon City.

Sinamahan ng ADMU sa early lead ang idle Sto. Tomas Growling Tigers sa second straight win sa gayung daming salang at ‘di binigyan ng magarang debut ang karibal sa walong eskuwelahang liga.

Umariba naman sina Wendell Comboy, LJ Gonzales para suwagin ng Far Eastern Tamaraws ang University of the East Red Warrios, 81-65, sa pantaas ng kurtinang sultada.

Bumida sa laban si Comboy sa 24 points, 3 rebounds, 2 assists at 1 steal, habang ayuda si Gonzales ng career-high 14 markers, 8 boards, 8 feeds, at 3 stls. para makabawi ang FEU sa 55-61 loss sa UP Fighting Maroons nitong Miyerkoles.

Nakalamang agad sa laban tapos ng first quarter ang Morayta-based squad, 17-10 sa pagtatapos ng first quarter para dominahin ang sultada kahit nakaalma sa third period ang mga basketbolista ng Recto, na nahulog sa 0-2.

Mabuting pagbangon ito para sa Tams mula sa masklap na simula.

“Well, it’s always nice to get your first win of the season especially coming off that opening day loss”, deklarasyon ni FEU coach Rodericko Cesar ‘Olsen’ Racela. “At least naka-isa na kami, but sinasabi ko na sa mga player, play every play, play every possession”.

Maging para kay Comboy.

“Una sa lahat nagpapasalamat ako kay Lord kasi eto ‘yung prenipare namin sa preseason palang”, saad niya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy