Una sa Balita

Mamemekeng parak, sibak

By
0 5

Binigyan ng babala ni Caloocan City Police Chief Supt. Jemar Mondequillo ang nasa 300 mga bagong tauhan ng Caloocan City Police na pagsisibakin umano ang mga ito kapag nalamang nandaya ang mga ito sa pagre-report sa kanilang mga trabaho.

Muling hinarap ni Mondequillo ang mga bagong mga tauhan ng nasabing himpilan at iginiit na galit umano siya sa mga mandurugas at mandaraya lalo na iyong mga umano ay namemeke ng kanilang mga duty report na akala mo ay nasa himpilan na ng ganoong oras, e yun lang pala ay nasa ibang lugar pa.

Ang mga mahuhuli umanong gumagawa ng ganoong kadayaan ay hindi na niya umano irerekomenda pa ng suspensyon kung ‘di tuluyan nang pagsisibakin sa kani-kanilang mga tungkulin.