Una sa Balita

Mambabatas nagregalo ng ‘bomba’

0 418

KUNG naging ordinar­yong mamamayan lang siya, posibleng ma­akusahan siyang te­rorista at maharang sa mga paliparan.

Hilig daw kasi ng isang mambabatas na magregalo ‘bomba’ sa mga malalapit niyang kaibigan.

kartada-0803Nakita ng impormante ni Mang Teban ang bombang ginawa ng mambabatas sa tanggapan ng kanyang kaibigan.

Sa pulidong pagkakagawa, aakalain mong totoong bomba ang ginawa ng mambabatas, ‘yon pala ay pang-display lang ito.

Kompleto kasi ang materyales nito, may pampasabog, timing device at mga wire kaya’t magdadalawang-isip ka kapag nakita mo ito sa isang parte ng building.

Hindi naman ma­ibiyahe ang mga re­galong ‘bomba’ ng mambabatas dahil tiyak na haharangin ito sa airport at huhulihin ang may dala, kahit na ito’y replica lamang.

Pintahan niyo na. Ang mambabatas na hilig gumawa ng pekeng bomba ay may bigote minsan. May letrang N sa kanyang pa­ngalan as in ‘name­meke ng bom­­ba’.