Una sa Balita

Mamaril sinagip ang Lady Tams

By
0 141

UMISKOR si Valerie Mamaril ng game-winning lay-up upang akbayan ang Far Eastern University sa 73-71 panalo kontra Ateneo kahapon sa UAAP Season 81 women’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena.

Nagmintis si Jollina Go sa final possession ng  Lady Eagles kaya nagkaroon ng pagkakataon ang Lady Tamaraws na suwagin ang unang panalo sa second round at masolo ang pangalawang puwesto ng team standings.

Tangan ng FEU ang 6-2 card sa likuran ng defending four-time champion National University na malinis ang karta sa pitong salang.

Namuno sa opensa para sa FEU si Clare Castro na nagtala ng 21 puntos, 10 rebounds at apat na blocks habang tig-14 puntos ang binakas nina Mamaril at Fatima Quiapo.

Tumikada naman si Anna Requiron ng 22 markers, 15 rebounds at limang blocks para tulungan ang last year’s runner-up University of the East na paluhurin ang De La Salle, 86-69.

Nirehistro ni Khate Castillo ang 17 points para sa Lady Archers na nalasap ang pangatlong talo sa walong laro.