Una sa Balita

‘Mamang Pulis’ anong nangyayare?

By
0 909

Ito ang tanong ni dating Vice President Emmanuel Pelaez, sa nabigong pananambang sa kanya, ilang dekada na ang nakalilipas.

Napapanahon ang tanong na ito ni da­ting Vice President Pelaez, sa kabila ng pinatinding kampan­ya ng Philippine National Police laban sa kriminalidad.

Ang lakas ng loob ngayon ng kriminal at determinadong pumatay, kahit alam ng mga ito na mayroong nakakalat ng CCTV sa maraming lugar lalo na sa mga publikong lugar o ‘public places.’

***

Noong nakaraang linggo isang aktibong pulis ang itinumba ng ‘assassin’s bullet’ sa ‘compound’ mismo ng National Police Commission (NAPOLCOM) sa Lungsod ng Makati.

Ang biktima, naka-unimporme pa. Binaril ng pa-traydor. Isang bala ang tumama sa ulo.

Katatapos lamang ng biktimang pulis na dumalo sa isang pagdinig. Sa kuha ng CCTV, ang salarin ay kalmadong tumakas sa lugar ng krimen.

***

Ang mga kriminal ngayon, walang pinipiling lugar at panahon. Kapag nakakita ng pagkakataon, ang target agad itutumba, pari man, pulis, piskal o hukom, tablado.

Nangangalahati palang ang 2018, su­balit ang ‘ blotter’ ni Mamang Pulis ay nakapagtala na ng mga ‘high profile case,’ tulad ng mga napaslang na pari, piskal, Hukom at media man.

Hindi pa kasama dito ang mga nasawi na mga pangkaraniwang tao lamang.

***

Sa kabila ng ‘level up publicity ng PNP’ laban sa kriminalidad nakakalusot pa rin ang mga kriminal.

Sa kabila ng ‘intensified effort’ ng liderato ng PNP sa pangunguna ni Director General Oscar Albayalde, kitang-kita ito sa mga ‘media coverage,’ tila lalo lamang nanghahamon ang mga kriminal tulad ng pagpasok ng mga masasamang loob sa mga ‘restoran’.

Sa kabila ng mga bagong mobile unit, na ibinigay sa bawat istasyon ng pulis, mukhang kulang pa rin ang presensiya ng mga alagad ng batas.

Ito kaya ang ­dahilan kung bakit ang ­puntirya ngayon ng PNP ay ang mga ‘istambay’ sa labas ng bahay?

Sa unang tingin ay maganda, kaya lang mukhang hindi alam ng mga pulis kung ano ang totoong tambay at hindi?

Isang insidente sa Makati ang naganap. Nanghuli ng ­‘istambay’ ang mga pulis-Makati, ilan sa mga nadakma mga ‘call center agent’ pala.
Tiyak mapupulaan na naman si Mamang Pulis?