Una sa Balita

Mama ni Vilma 2 buwan sa ICU bago namayapa

0 814

abante-i-know-better-jun-nardoMama muna si Congresswoman Vilma Santos-Recto bago ang kampan­ya. Namatay si Mama (Mila) Santos (tawag sa kanya sa showbiz) nu’ng Lunes, Abril 1, sa edad na 93.

“Bonus na si Mama kaya lang…within the year, in and out siya sa hospital. Hanggang na-ospital siya, straight two months sa ICU (intensive care unit).

“Pero siyempre, as daughter, ‘hindi kami bibigay hangga’t kaya mo.’ We want to see her again. Bandang huli, siya na ang bumigay. Para bang enough. ‘Okay na ako.’

“Kaya dito ko pinili. Dito (Loyola Sucat) nakalibing si Papa,” chika ni Ate Vi sa pagdalaw namin sa huling lamay ng ina last Friday.

Cremated na ang labi ni Mama Santos. After elections ay ipahuhukay nila ang buto ng namatay na ama, iki-cremate at itatabi sa abo ng ina.

Sa pagkamatay ng ina, nakumpleto silang magkakapatid. Umuwi galing sa States sina Maritess at Winnie habang kasama niya rito ang Ate Emeline at nag-iisang kapatid na lalaki, si Sonny Boy.

I like Jessy – Ate Vi

Isiningit naming itanong kay Ate Vi ang balitang gagawa raw siya ng pelikula this year na isasalang sa 2019 Metro Manila Film Festival.

“Wala, wala pero baka I might do one within the year. Pero nothing is final. Sabi ko, focus muna ako sa kampanya.

Looking forward ako na ma­kagawa. Huli ko ‘yung ‘Everything About Her’ noong 2016,” saad ng Lipa congresswoman.

Sa last night ng wake, namataan namin si Jessy Mendiola. Mukhang gabi-gabi na yata ang dalaw ng girlfriend ng anak na si Luis, huh!

“Hindi naman. Ha! Ha! Ha!” tugon niya.

“I like her eh. I can see that,” putol na sabi ni Cong. Vilma dahil kailangan niyang harapin ang bawat taong dumarating sa huling gabi ni Mama Santos.

Yes, walang kapaguran si Cong. Vilma sa pagharap sa lahat ng taong dumadalaw sa ina mula showbiz, politiko, kamag-anak at mga Lipeño.

Ngayong araw na ito ang paglagak ng abo ng ina sa columbarium ng memorial park.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy