Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Malupit na ka-live in niluwa ng estero

0 49

Inaalam ng Manila Police District (MPD) – Homicide Section kung nagpakalunod o may naganap na foul play sa pagkamatay ng isang construction worker na unang inireklamo ng kanyang kinakasama ng pananakit pero natagpuang lumulutang sa isang estero, Miyerkoles sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Joel Martines y Alanzalon, 24, ng Inocencio Street, Tondo, Maynila na nakitang palutang-lutang at wala nang buhay alas-7 kamakalawa ng gabi sa Estero de Vitas, Tondo.

Nabatid kay P/Major Dino Venturina, Deputy Commander ng MPD-Police Station 1, nakatanggap sila ng impormasyon na may lalaking lumulutang sa Estero De Vitas sa C2 Capulong Road, ilang metro ang layo mula sa presinto.

Agad niyang iniutos sa kanyang mga tauhan na ikordon ang lugar at tumawag sa kanilang homicide section.

Ayon kay Jasmine Tigui, 20, papunta siya sa isang improvised na comfort room sa lugar nang makita ang bangkay kaya kaagad niya itong ipinagbigay-alam sa kanilang barangay.

Sinabi naman ni Joel Cabral, barangay ex-o ng Brgy. 93, ang biktima ay ipinatawag sa barangay noong alas-10:00, Nobyembre 21 ng gabi matapos ireklamo ng kanyang ka-live in dahil sa pananakit. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.