Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Malupit na Erpat todas sa Pulis

0 125

Patay ang isang lalaki nang tumanggi itong sumuko at sa halip ay nanlaban pa umano sa mga pulis habang dinarakip ito dahil sa pambubugbog sa kanyang anak sa Marilao, Bulacan noong Sabado.

Ayon kay Marilao chief of police Lt. Col. Bernardo Pagaduan, dead on the spot ang suspek na si Fredie Lontayao, ng Brgy. Sta.Rosa 2 sa Marilao dahil sa tinamong isang tama ng bala ng baril sa katawan.

Nauna rito’y humingi ng tulong sa pulisya ang mga opisyal ng barangay sa lugar dahil binalewala lang umano sila ng suspek nang awatin nila ito sa pagbabanta at pananakit sa anak. Hindi tinukoy ng mga awtoridad ang kasarian pati ang edad ng biktima.

Naabutan pa umano ng mga pulis ang suspek na armado ng patalim habang sinasaktan ang anak. Sinikap nila itong pasukuin pero sa halip ay sinugod nito ang isang pulis at ilang beses na inundayan ng saksak na pawang nagmintis.

Dahil dito kung kaya’t bumunot ng baril ang pulis at pinaputukan sa katawan ang suspek. Bukod sa kutsilyong ginamit niya sa pag-atake sa pulis, nakuha rin sa lugar ang cartridge casing para sa 9mm.

Inaalam naman ng mga awtoridad ang dahilan ng malimit umanong pananakit ng suspek sa kanyang anak. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.