Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Malungkot buhay: Erik Santos atat nang magkadyowa

0 181

Inggit na inggit si Erik Santos sa mga kasamahan niya sa noontime program na “It’s Showtime” dahil lahat sila ay may love life habang siya ay single pa rin at umaasang makahanap na ng jowa.

“Nakakainggit nga kayo, lahat kayo in love. Syempre tumatanda na ako eh. Matagal ko nang ‘di nafe-feel yan eh, ‘yung kinikilig,” kwento ni Erik sa “Tawag ng Tanghalan” segment ng programa.

Aminado rin siya na nape-pressure na siyang bumuo ng pamilya dahil sa mga komento ng kanyang mga kaibigan kaya isa na rin itong dahilan kung bakit siya nalulungkot.

“Alam mo ‘yung typical na kaibigan mo, family, parang minsan pag nagsasama-sama kayo, ‘uy dalawa na lang tayong walang anak.’ Kaya minsan nare-realize mo ‘yun,” paliwanag ng mang-aawit.

Ayon pa kay Erik, kapag imbitado siya sa mga kasal, iniiwasan niya talagang pumunta sa mismong ceremony at gusto lang niya mag-attend ng reception dahil sa lungkot.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Kasi may mga moments na, lalo ngayong pandemic, ang dami mong nare-realize na parang ‘yung emptiness nandun,” ani Erik.

Kaya kung kakausapin niya raw si kupido, ang kanyang hiling ay pagpalain na sana ang kanyang puso.

“Panain mo na ang puso ko. Agad-agad, ngayon na,” sey ni Erik.

Habang busy si Erik sa paghahanap ng love life, abala rin siya bilang hurado ng sikat na singing competition na “Tawag ng Tanghalan” sa “It’s Showtime.” (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.