Una sa Balita

Malou Tiquia bagong presidente ng Unibersidad de Manila

0 248

NANUMPA kahapon bilang bagong presidente ng Unibersidad de Manila ang political strategist na si Malou Tiquia.

Pumalit si Tiquia kay Ernesto Maceda Jr., na nagbitiw sa puwesto sa personal na kadahila­nan. Umupo namang board regent si Atty. Jose Ngaw.
Si Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso ang nagpanumpa sa dalawang bagong opisyal ng pamantasan.

Nagtapos ng Political Science si Tiquia sa University of the Phili­ppines noong 1985 at kumuha ng dalawang graduate studies. Mayaman ang karanasan ni Tiquia sa mga trabaho sa Executive at Legislative branch. Ang unang trabaho niya sa gobyerno ay sa Environmental Management Bureau noong 1985, naging technical staff ni Sen. Rene Saguisag noong 1987. Nagtrabaho sa Office of the President noong 1990, kay dating Parañaque Rep. Roilo Golez mula 1992 hanggang 1999.

Nakapagtrabaho din siya sa US Congress sa ilalim ng Subcommittee on the Environment of the Science, Space and Technology Committee na pinamumunuan ni New York Democrat James Scheuer. Nagsilbi din ito sa tanggapan ni Sen. John Seymour.

Noong 2003 itinatag nito ang PUBLiCUS Asia Inc., ang una at natatanging rehistradong lobbying at campaign management firm sa bansa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy