Una sa Balita

Malonzo patok sa PBADL Draft

0 322

INAASAHANG pinakaunang mapipili si Jamie Malonzo sa isasagawa ngayong 2020 Philippine Basketball Association Developmenmtal League Draft sa PBA Office sa E. Rodriguez Ave., Bagumbayan, Libis, Quezon City.

Ang 6-foot-6 na high-flyer ang ­kursunadang tapikin ng AMA Online ­Education tapos maglaro ng Fil-Am ­forward sa Portland State at sa La Salle Green Archers sa nakalipas na UAAP ­season kung saan nakapasok sa Mythical Team.

Ika-apat na sunod na taon para kina coach Mark Herrera at Titans na makuna ang karapatang unang pumili sa kada taon na ­rookie selection. Ito ang unang daan para sa mga aspirante bago makatuntong sa PBA.

Una nang mga naging top pick ng AMA sina Jeron Teng (2017), Owen Graham (2018), at Joshua Munzon (2019). (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More