Una sa Balita

Malonzo, Baclig, Germino kursunada ng AMA Online

0 563

Magkakaroon ng bagong batch ang PBA D-League draftees sa darating na Lunes Ene­ro 20.

May 137 na aplikante na nangangarap matupad ang kanilng pangarap makatungtong sa pinakamataas na liga sunod sa PBA.

Ang AMA Online team ang may hawak sa unang pick at nakikita namin ang dalawa na puwede maging 1st pick si Jamie Malozon ng De La Salle na miyem­bro ng Mythical 5 sa nakaraang UAAP Season.

Naniniwala kami na isa si Malonzo sa malaki ang maitutulong sa aminng team dahill all-around player ito at malaking wingman sa tangkad na 6’6 gaya din ni Aaron Black na dati naming manlalaro.

May isa pa kami na home grown player na edad 18 years old na si Reed Baclig.

Nagkaroon na rin ng maraming award sa iba’t ibang liga sa AMA at mga championship na kung saan siya ay isa sa aming inaasahan.,
Siya ay 5-foot-7 point guard na mabilis at delikado iwanan sa labas dahil sa kanyang lupit sa tres.

Isa pang tres o dos ang laro na galing sa Nueva Ecija sa taas na 6-feet pero fighter, na­ging MVP sa mga liga sa local inter school leagues na si Christian Germino na makakatulong para sa sistema naming takbuhan.

May mga iba pa kami sa listahan gaya nina Joshua Villamor, Christian Camay, JC Yambao, Kobe Cruz, Kyle Orbeta at Eriz Romero pati ang Fil-Chinese na si Willis Siy.

***
Sasabak ang AMA University Volleyball Team sa NAASCU 19th Season simula Pebrero.

Masusubukan ang AMA University Men’s at Women’s Volleyball na binubuo ng mga bata at bagong atleta sa ilalim ng sports program ng inyong lingkod bilang sports director ng AMA.

Mapapalaban ang aming batang koponan sa mga beteranong eskuwelahan tulad ng Our Lady Of Fatima University, Philippine Marine Merchant School, St. Clare College, St. Francis de Assisi, New Era University, Enderrun Colleges, Holy Angel University, DLSU Araneta at Philippine Christian University.

Binabati ko ng maligayang kaarawan si PBA NorthPort governor Erick Arejola.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More