Una sa Balita

Malolos City all-out kontra droga

By
0 4

Tiniyak ng city go­vernment ng Malolos na patuloy nilang susuportahan ang kampanya laban sa droga sa 51 barangay sa siyudad at nagiging matagumpay ang kanilang giyera sa ipinagbabawal na gamot bunga ng suportang ipinagkakaloob ng mga barangay officials sa kapulisan.

Ayon kay City Ma­yor Christian Natividad, suportado ng kanyang tanggapan ang patuloy na pagsugpo ng Malolos City police force sa drug problem sa siyudad na kanyang nasasakupan at kaisa niya sa layuning masugpo ang pagkalat ng shabu at damo sa mga kanayunan ang mga barangay officials na siyang mata sa barangay.

Hindi rin matatawaran ang ipinapakitang malasakit ng kapulisan sa Malolos City para masugpo ang droga sa siyudad na patuloy ang tinatamasang kaunlaran sa panahon ng panunungkulan ni Mayor Natividad at maging mga barangay officials ay wala ring tigil sa kanilang cons­tituents na nalululong sa droga na sumuko na sa PNP.