Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mall sale larga na!

0 130

Dahan-dahan nang binubuksan ng gobyerno ang ekonomiya para makabangon ito mula sa matinding krisis na dulot ng COVID-19 pandemya.

Kaugnay nito, pinayagan na ang pagdaos ng sale event ng mga shopping mall na matatagpuan sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ).

Sa kanyang pahayag nitong Biyernes, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na puwede nang magsagawa ng mga aktibidad ang mga mall at iba pang establisimiyentong nasa mga lugar na GCQ at MGCQ katulad ng sale event para sumigla ang ekonomiya.

SM food to go Banner Ad

Subalit kailangan pa rin aniyang sumunod ang mga negosyong ito sa mga patakaran ng Department of Trade and Industry (DTI) hinggil sa pinatutupad na mga protocol para iwas hawa sa COVID-19.

Matatandaang binawal noong Mayo ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang mga mall sale at marketing events para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

Samantala, pinahintulutan din ng IATF ang DTI na i-adjust ang operational capacity ng mga business establishment sa mga lugar na nasa GCQ o mas mababang quarantine classification. (Prince Golez)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.