Una sa Balita

Mall sa Davao naglagay ng bakod kontra suicide

0 349

MAKARAAN ang serye ng insidente ng suicide sa Gaisano Mall, naglagay ng barrier ang management sa fifth floor ng mall upang maiwasan ang anumang aksidente.

Nauna dito, nanawagan ang Public Safety and Security Command Center (PSSCC), Davao City Police Office (DCPO) sa ma­nagement na palakasin ang preventive security measures upang maiwasan ang mga insidente ng suicide.

“That move by Gaisano Mall is to prevent ano­ther suicide jumper attempts in the future. We recommended for those countermeasures due to the series of suicide jumps in that area before,” ayon kay DCPO Director Alexander Tagum.

Ipinakiusap din na taasan ang mga railing at maglagay ng dagdag na closed-circuit television (CCTV) sa lugar at magtalaga ng mas maraming security guard upang mapigil ang mga tao na lumapit sa ledge.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy