Una sa Balita

Mall sa Bataan nasunog

By
0 211

TINUPOK ng apoy ang isang mall sa Balanga City sa Bataan na katabi ng kanilang public market kahapon nang madaling-araw.

Ayon sa inisyal na ulat, nagsimula ang sunog bandang ala-una nang madaling-araw sa mismong establisimyen­to ng Market Walk and Promenade Shops mall sa Brgy. San Jose ng nasabing lungsod.

Tumagal ng mahigit 12 oras ang sunog dahil na rin sa mga plastic material na produkto ng nasabing mall bago naideklarang fireout bandang alas- 11:00 nang umaga kahapon.

Wala naman naiulat na nasaktan sa sunog at nagpapatuloy ang imbes­tigasyon upang mabatid ang sanhi nito at maging ang kabuuang halaga ng mga ari-arian na tinupok ng apoy.