Una sa Balita

Mall employee kulong sa inumit na sando

By
0 355

KALABOSO ang isang 21-anyos na ‘stocker’ matapos mabuking ang ginawa nitong pang-uumit ng isang sando sa pinagtatrabahuhan na department store, kamakalawa nang gabi sa kanto ng Claro M. Recto Ave. at Quezon Blvd., Quiapo, Maynila.

Sinampahan ng kasong theft ang suspek na si Jimuel Hongria, nagtatrabaho sa Isettan department store, at taga-No. 1971 Almeda St., Tayuman, Tondo.

Ang suspek ay inaresto ni Belmor Balatucan, 46, assistant security officer ng department store, bandang alas-8:15 nang gabi, matapos makuha sa kanya ang isang sando na ‘Kentucky’ na nagkakahalaga ng P75.

Ayon sa testigong si ODonnell Luarca y Salazar, 39, assistant warehouse supervisor, nakita umano niya nang kunin ng suspek ang sando kaya isinumbong sa guwardiya at naaresto ang biktima.