Una sa Balita

Malisyoso! — VP Leni; Kalokohan! — Bautista

By ,
0 3

Tinawag ni Vice President Leni Robredo na malisyoso ang isang video na kumakalat sa social media na diumano’y nakipagkita ito ng sekreto kay Commission on Elections (Comelec) chairman Andres Bautista matapos atasan ito ng Korte Suprema ang election protest na isinampa ni dating Sen. Ferdinand Marcos Jr.

Reaksyon naman sa video ni Bautista, “It was a social event. There were more than 30 people who were there. Walang secret meeting. In fact, I just said hello to VP, we didn’t talk. Kalokohan ‘yan.”

Idinagdag pa nito na maraming tao ang tetestigo at magpapatunay na walang nangyaring sikretong pag-uusap sa pagitan niya at ni Robredo.

“The secret meeting is not true. Maraming testigo,” aniya pa.

Sa press briefing sa kanyang tanggapan sa Quezon City Executive House, inamin nito na nakita niya si Bautista noong Hulyo 12 ng gabi subalit hindi ito secret meeting kundi isang dinner party na kanyang dinaluhan kasama ang kanyang mga anak.

“Ano, ‘yun very malicious, siguro mas maigi na kung may secret meeting ipinakita na nag-usap kami,” ani Robredo makaraang kumalat ang video sa social media ukol sa pakikipagkita umano nito kay Bautista.

“Walang ganun na secret meeting, nag-attend ako ng isang dinner party, siguro mga 40 tao ang nandun, isa si Comelec chairman sa mga guests. Pero hindi ko maalala na nag-usap kami. Parang batian lang pero hindi kami nag-usap,” ani Robredo.

Hindi sinabi ni Robredo kung sino ang nagpa-dinner party subalit bukod kay Bautista ay bisita rin umano sina United State (US) Ambassador Philip Goldberg, Ombudsman Conchita Carpio-Morales at marami pang iba.