Una sa Balita

Maling akala kapag Pista ng Tondo

0 336

Dear Abante:

Maligayang araw sa mambabasa ng Abante! Mabuhay kayong lahat! Maraming salamat kung mailalathala itong aking munting sulat sa inyong pahayagan.

Ito’y tungkol sa mga maling akala ng karamihan o hindi nakarating sa Tondo o sa Fiesta ng Sto. Niño sa Tondo, tulad ng akala nila ay magulo raw sa Tondo tuwing pista, o kaya’y naman ‘pag dayo ka ay bubugbugin ka o pagtitripan ng mga lasing…hahaha! Nakakatawa na nakakainis ang mga ­ganitong espeskulasyon ng ibang lugar. Mali po ang ­pagkakaalam ninyo sa totoong nangyayari kapag Pista ng Tondo.

Sa totoo lang ay napakasaya kapag Pista ng Tondo, welcome pumunta ang mga taga ibang lugar at wala pong mangyayari sa inyong masama, dito mo mararanasan ang tunay na pista na walang mahirap at mayaman, lahat sila ay nagdidiwang nang sama-sama, bata man o matanda.

Kung seguridad ang pag-uusapan, walang dapat ­ipag-aalala dahil ang mga kapulisan sa Tondo ay laging ready para masiguro ang kaayusan ng pagdiriwang.

Viva Sto. Niño! Salamat po.
Laking Tondo

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More