Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Maliliit puwede na sa Miss U PH

0 17

Nagulantang ang mga netizen matapos mapansing wala na sa list of qualification ng Miss Universe Philippines ang pagiging matangkad.
Sa Facebook page, Hunyo 7, inilista ng organization ang ilang requirements para ma-qualify sa 2021 batch ng Miss Universe Philippines.
Kabilang doon ang pagiging Filipino citizen at Philippine passport holder.
Dapat ding at least 18 years old at under 28 years old sa panahon ng timpalak; babae; at hindi pa kasal o hindi pa nanganganak ang mga aplikante.
“No minimum height requirement,” sabi sa huling bahagi ng post ng Miss Universe Philippines.
Kaya naman, kanya-kanyang tag ang mga netizen ng mga kakilala nilang cute ang height at puwedeng maging kalahok ng Miss U. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.