Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Maliksi, Meralco lakas ng boltahe

0 73

Semis Game 6 Biyernes: (DHVSU Gym, Bacolor)
3:00pm — TNT vs San Miguel
6:00pm — Meralco vs Magnolia

Nagpakatatag si Raymond Almazan sa krusyal na free-throws upang tulungan ang kakampi na si Allein Maliksi na panatilihing buhay ang Meralco Bolts sa paghugot sa 102-98 panalo kontra Magnolia Hotshots upang pahabain pa ang sarili nitong best-of-seven semifinals sa 2021 PBA Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University (DHVSU) Gym sa Bacolor, Pampanga.

Isinalpak ni Almazan ang tatlo sa apat na krusyal nitong free throw sa natitirang 1:21 minuto ng laro upang bitbitin ang Bolts na manatiling buhay ang tsansa sa kampeonato sa paglapit sa serye kontra Hotshots sa 2-3 kartada.

Isang tres naman ni Allein Maliksi, na tinanghal na Best Player of the Game sa itinala na 29 puntos, 3 rebounds at 2 steals ang nagbigay ng anim na puntos na abante sa Bolts sa 96-90 upang tabunan ang tangkang pagbalikwas ng Hotshots sa huling 2:06 ng laro.

Tumulong din si Nard John Pinto na may 24 puntos, 2 rebounds, 5 assists at 1 steal habang may 23 puntos, 5 rebounds at assists si Chris Newsome. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.