Una sa Balita

Maliit pero mas matigas

0 628

Dra. Margarita Holmes

Dear Dra Holmes:
Sabi po ng asawa ko na oo nga, mas maliit ang Pinoy kaysa sa ibang dayuhan, pero mas matigas daw ang ari nila. Totoo po ba yun?

Gina

Dear Gina:
Maraming Salamat sa sulat mo. Bago kita sagutin, tatanungin kita ng 2 tanong, ok?

1. Ang ibang dayuhan ba na sinasabi niya ay hindi taga-Asya kagaya ng mga Intsik, Koreano, o Indonesian pero ‘yung mga Amerikano, Arabo o mga taga-Africa?

2. Sinabi ba ito ng asawa mo bilang sagot dahil mayroon kang sinabi sa kaniya o kusang loob niyang sinabi ito?

Pagpasensyahan mo na lang ako Gina kung medyo maselan ang a­king mga tanong. Kailangan kong malaman ang iyong sagot sa da­lawang mga tanong ko, para masagot kita nang mas malalim at mas tama. Ingat at salamat—MG Holmes
Dear Dra Holmes:

Hindi ko po alam kung nakasakop ang mga ibang taga-Asia nang sinabi niya ito. Nanonood po kami ng porn sa internet. Ang babae po ay puti at ang lalake ay itim. Nang una na­ming nakita yung sa kaniya, “WOW” ang nasabi ko.

Hindi ko po sinadya. Nadbigla lang po ako. Hindi naman po siya galit, pero nabigla po ako nang ang sabi niya sa akin yun: “OO nga, totoo mas maliit ang mga Pinoy kaysa sa ibang dayuhan, pero pangako ko sa iyo pero mas mati­gas naman ang mga ari namin.”

Wala na lang po akong sinabi pagkatapos. Tama po ba yon?
GINA
Dear Gina:
Sa aking opinyon, Mabuti na wala ka na lang sinabi pagkatapos niyang sabihin ang sinabi niya. Mabuti na binigay mo sa kaniya ang ‘final word’ ng inyong talakayan tungkol sa sukat ng ari ng mga Pinoy vis a vis sukat ng ari ng ibang dayuhan. TO BE CONTINUED

Si Dra Holmes at nagsusulat sa Abante 3X a week. Sulatan siya sa Facebook ni Dr Marga­rita Holmes­ http://www.facebook.com/drmargieholmes. Panoorin rin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite Facebook.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy