Una sa Balita

Maliit na boobs ni Jasmine nilait

0 1,293

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyNakatikim ng unang panlalait sa kanyang katawan si Jasmine Curtis-Smith mula sa kanyang follo­wer nang iposte niya ang kanyang two-piece bikini shot sa kanyang Instagram wall.

Sa larawan, nakatayo si Jasmine at lantad ang kanyang buong katawan sa two-piece swimwear niya.

Makikita ang toned body ni Jasmine na dulot marahil ng kanyang clean lifestyle at working out na ikinabilib ng marami sa kanyang mga follower, maging ng kanyang nakatatandang kapatid na si Anne Curtis.

@annecurtissmith, “I love you and I love your body!”

Pumuri rin ang kaibigan nilang si Isabelle Daza.

@isabelledaza, “Damn”

Pero may ilang pumuna sa pagiging sobrang payat ng aktres at isa na nga rito ang pagpuna sa pagkakaroon niya ng maliit na boobs.

@ban_boy_3630, “Very small boobs.”

Sa halip na tarayan ni Jasmine ang basher, sinagot nya ito ng kalmante.
@jascurtissmith, “@ban_boy_3630, SBC represent.”

Ipinagtanggol naman ng kanyang follower si Jasmine at sinabing proportion ang sukat ng katawan ng aktres.

@mrkanlat, “@jascurtissmith u matched with him tho. 3 inch d and ur preteen boobs.”

Janella inuudyukang maghubad ngayong 2019

Kakaumpisa pa lang ng bagong taon, ang 2019, nagpasilip na ng kanyang kaseksihan ang wholesome actress na si Janella Salvador.

Masisilip sa Instagram wall ni Janella ang larawan niya na nakadapa sa tubig-dagat sa may dalampasigan.

Malinaw na makikita sa kanyang posting na nakasuot lang ng one-piece bathing suit ang Kapamil­ya actress.

Sa caption sinabi niyang makikita sa kanyang larawan ang kasiyahan na nagpapasalamat sa lahat ng pagkaing nakain niya nitong nagdaang holiday season.

@superjanella, “this is the face of someone who is thankful for all the food she ate this holiday season (…and okey..fine..for 2018 too).”

Pinuri ng kanyang mga follower si Janella dahil ito yata ang kauna-unahan niyang paglalantad ng kanyang kaseksihan sa social media.

At base sa korte ng kanyang likod, may potential na pumatok sa showbiz si Janella sa sexy genre, kung nanaisin niyang pasukin ang mundong ito.

Nasa tamang edad naman na ang dalaga at puwede na siyang tumulay at tumawid mula sa pagiging ‘sweet’ star, sa pagiging isa namang daring actress.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy