Una sa Balita

Maliit lang ang nakakapuwing: Coco nanganganib kay Alden

By
0 815

Kumpirmado nang babanggain nga ng serye ni Alden Richards na Victor Magtanggol ang makasaysayang Ang Probinsiyano ni Coco Martin. Mababasa na ngayon pa lang ang komentong makikipagsalpukan daw ang pipit sa isang agila.

Sa opinyon kasi ng mas nakararami ay suicide ang gagawin ng GMA-7 kapag itinapat nila ang serye ng Pambansang Bae sa serye ni Coco Martin na mula nang mag-umpisang umere ay hinding-hindi tinalo sa rating ng kahit anong programang itinapat sa kanyang time slot.

Pero desidido na ang network ni Alden Richards, higante ang kanyang babanggain, isang serye na nang simulang matikman ng ating mga kababayan ay parang masarap na ulam nang hina­hanap-hanap sa araw-araw.

Abante Hiring – IT dep

Niyakap nang napakahigpit ng buong bayan ang maaksiyon-madramang serye, parang hindi kumpleto ang kanilang araw nang hindi natututukan ang Ang Probinsiyano, ganu’n katindi ang babanggain ng Victor Magtanggol ni Alden.

Pero paano kapag nabaligtad ang sitwasyon? Paano kung makalusot ang serye ni Alden Richards sa labanan? Paano kung may mga bago palang maihahain sa publiko ang Victor Magtanggol?

Lagi nating tatandaan ang kasabihan na maliit lang ang nakapupuwing.