Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mali ang hula: Pia hindi buntis

0 178

Lunod na naman sa kaligayahan si Pia Wurtzbach sa piling ni Jeremy Jauncey. Magkasama na naman silang dalawa sa Dubai.

Ginagawa na nga lang nina Pia at Jeremy na ‘pasyalan’ ang Dubai, ha! Na kapag may libreng oras sila, takbo, lipad agad sa Dubai.

Anyway, matapos ngang mag-judge ni Pia sa Miss Universe South Africa 2021, diretso agad siya sa Dubai, para makasama sa Jeremy.

At yes, naglabasan na agad ang mga photo nilang dalawa na magkasama sa napakagandang beach.

Para ngang bata si Pia na nagtatakbo sa buhanginan habang bini-video ni Jeremy.

“And she’s back!” tuwang-tuwa na chika ni Jeremy.

Tawa rin nang tawa si Jeremy habang tinitingnan si Pia na tumatalon, tumatakbo na parang bata, sa tabi ng dagat. Literal na parang nakawala sa hawla nga kung titingnan mo siya, dahil sa tindi ng kaligayahan.

Anyway, sa kaseksihan ni Pia, malayo ngang siya ang natsitsismis na kesyo buntis.

May mga chika kasi na isang beauty queen na nagdala ng karangalan sa Pilipinas ang sa ngayon ay jontis nga raw. Siyempre, marami silang pinaghihinalaan, dahil sa rami ba naman ng mga Pinay na nagdala ng karangalan sa Pilipinas, di ba?

Eh, ang iba sa kanila, lantaran naman na may relasyon o boyfriend na. Ang iba, medyo tago ang karelasyon.

Si Pia nga ang isa sa mga lantat na lantad ang relasyon. At may mga nag-iisip, nanghula nga na baka siya raw ang tinutukoy.

Pero, sa ganda ng katawan ni Pia ngayon, hinding-hindi siya buntis, ha! Super impis ang tiyan, at ang kurbada, pamatay pa rin talaga.

Although, may alam na kami kung sino ang tinutukoy na kesyo buntis na beauty queen, bagamat wala pa rin namang pruweba, at wala pa namang statement na galing sa kanya, kaya dedma na lang muna.

Basa ang malinaw, hindi si Pia ang buntis! At kasalukuyan nga siyang nagpapakaligaya sa piling ni Jeremy sa Dubai.

Well… (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.