Una sa Balita

Male singer may sex video

By
0 1,332

Pinagpipistahan ngayon ang isang sex video na ang itinuturong gumawa ng mas nakararami ay isang male singer na lulubog-lilitaw ang presensiya.

Minsang nand’yan, pero mas madalas na wala sa gitna ng aksiyon ang lalaking singer, napapanood lang siya kapag talagang kailangan siya sa production number.

Mula sa pamilya ng mga artista ang male singer, malalim ang pundasyon sa lokal na aliwan ng kanyang angkan, kinikilalang isa sa pinakamahuhusay na aktor natin ang kanyang ama.

Nakapangasawa siya ng isang aktres na sa biglang tingin ay maldita, pero hindi naman ito ganu’n sa totoong buhay, galit-bati ang kanilang relasyon.

Kuwento ng isang source, “May kabigatan kasi ang katawan nu’ng male singer, in short, may katamaran siya. Ang palagi niyang sinasabi, e, insomniac siya, hirap siyang matulog sa gabi, kaya sumisikat na ang araw kung makatulog siya.

“‘Yun ang idinadahilan niya kaya hindi siya tumatanggap ng trabaho, inaantok daw siya sa maghapon, dahil hindi nga siya nakakatulog sa magdamag,” komento ng aming impormante.

Kaya raw siguro nagawa ng male singer na kunan ang kanyang sandata habang nakahiga sa kama ay dahil sa kawalan niya ng magawa sa buhay. Naiinip na raw siguro ang male singer nang wala siyang ginagawa.

Patuloy ng aming source, “Maraming napapa-yuck sa sex video niya, kasi, kung kailan pa nga naman siya tumanda, e, saka pa lumabas ang video na ‘yun na nagpapakita ng ari niya. Mga bagets lang daw ang gumagawa ng ganu’n, hindi tulad niyang masyonda na!

“Ang bira pa sa kanya, e, mga dalaga na ang mga anak niya, saka pa niya binigyan ng kahihiyan, ano na lang daw ang sasabihin ng mga friends ng anak niya dahil sa kahihiyang ito?

“Magsipag na lang kasi siya, magtrabaho siya, para hindi niya naiisip ang ganyan! Kahit pa may maipagmamalaki siyang sandata, e, nakakahiya pa rin ang ginawa niya!” madiing komento ng aming source.

***
Hamon ni Kathy sa gobyerno Imbestigahan si Joel Cruz

Nag-guest sa aming programa sa radyo (Radyo 5, 92.3 News FM) ang kontrobersiyal na kababayan nating businesswoman sa Brunei na si Kathelyn Dupaya nu’ng Biyernes.

Armado siya ng mga dokumentong mula sa SEC at BIR, kinakalampag niya ang negosyanteng si Joel Cruz, dahil sa diumano’y pangloloko sa ating pamahalaan dahil sa hindi nito pagbabayad nang tamang buwis para sa negosyo nito.

Matapang ang businesswoman, pinatapang pa siya ng mga hawak niyang dokumento, hinahamon niya si Joel Cruz na magharap sila para magkaalaman na kung sino ang totoong manloloko sa kanilang dalawa.

Sabi pa ni Kathy Dupaya, “Bakit nananahimik ka ngayon? Lunes pa ako nagsalita tungkol sa hindi mo pagbabayad ng tax, Biyernes na ngayon, pero wala kang kibo?

“Ang tapang-tapang mo nu’n sa pagsasabing scammer ako dahil sa utang ko sa iyo, pero bakit ngayon, napakatahimik mo?”

Hinahamon din ni Kathy Dupaya ang BIR at ang tagapamuno ng ating pamahalaan, ang kanyang komento, “President Rodrigo Duterte, ang sabi n’yo po, e, hahabulin n’yo ang mga Pilipinong hindi nagbabayad ng tamang tax, ngayon po sana, mapatunayan n’yo na iimbestigahan n’yo si Joel Cruz dahil bilyong halaga ng tax ang hindi niya binabayaran sa gobyerno natin.

“Bakit ang maliliit lang na negosyante, e, tinututukan ng BIR, pero ang ganito kalaking business na tulad ng kay Joel Cruz, nakalulusot sa pagbabayad ng tax?

“Kung ganu’n lang talaga kaliit ang dapat niyang bayaran, saan siya kumukuha ng pambili ng mansiyon niya, ng hotel niya sa Baguio, saan niya kinukuha ang kayamanan niya!” pagmo-monologue pa ni Kathelyn Dupaya.