Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Male singer gustong tikman ang 3 batang aktor

0 70

Kaligayahan ng male singer na ito na produkto ng isang talent show sa TV ang pag-post ng kanyang mga shirtless selfie.

Makinis at maganda ang pangangatawan niya na alaga sa workout. Mga selfie pa naman niya ay palaging pawisan sa gym, basa sa swimming pool. In short, pang-thirst trap sa mga girls at beki sa social media.

Ang nakakagulat lang na chiika kay male singer ay kung kanino niya pinapadala ang kanyang mga shirtless selfie.

Ayon sa isang source, sine-send daw ni male singer ang sexy selfie niya sa tatlong male young actors via private messaging.

Hindi raw ma-gets ng tatlong boys kung bakit kailangan ipadala ni male singer ang shirtless selfie niya sa kanila?

Nang minsang magkita-kita ang magbabarkadang boys dahil nagkaroon sila ng three-day lock-in taping, nalaman nilang pinadalhan silang tatlo ni male singer ng shirtless selfie nito.

Kilala naman daw nila si male singer na nakasama na nila noon sa mga out of town show bago magkaroon ng pandemya kaya ’yung nag-exchange text message sila ay normal, pero yung mag-send ng sexy selfie ay ibang usapan na.

Nang tanungin ng isa sa mga boys si singer via DM kung bakit nag-send ito ng pawisang selfie sa gym, sagot lang daw ni male singer ay “wala lang” with matching wink emoji.

Ayaw naman daw pag-isipan ng masama ng three boys ang ginawang iyon ni male singer. Nagiging pilyo lang daw siguro ito o humihingi lang compliment sa pagiging maalaga nito sa katawan.

Pero may chismis nga kasi sa sexuality ni male singer. Na mas enjoy daw ito sa company of boys kesa sa girls. Duda nga ng marami, gusto lang tikman ni male singer ang 3 aktor, ha! (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.