Una sa Balita

Male personality matindi ang libido

0 790

BISTADO na ang kartada ng isang guwapong aktor na may aktibong libido sa mga kababaihan. Hindi na niya ‘yun maikukubli dahil sa mga kuwentong umiikot tungkol sa sobrang hilig niya sa babae.

Magaling pala talaga sa linyang ‘yun ang tisoy na male personality. Magaling kasi ang kanyang bokadura, kinakaya niyang mapaamo agad ang babae kapag nakausap na niya, alam na natin ang kauuwian kapag kuhang-kuha na niya ang loob ng babae.

Kuwento ng isang source, “Matindi ang mokong na ‘yun! Mas matindi ang libido niya! Parang hindi siya mabubuhay nang hindi siya gumagawa ng milagro sa kama!

“Wala siyang pagkasawa. May girlfriend na siya, pero kailangan pa rin niyang maghanap ng iba, marami siyang extra-curricular activities!

“Kahit ang mismong family niya, e, hindi puwedeng basta-basta magpunta na lang sa house niya nang walang pasabi! Kailangang meron, dahil may mga lihim siyang ginagawa sa house niya!

“Mahilig siyang magdala ng girl sa house niya, ang tawag ng mga friends niya sa bahay niya, e, operating room. Alam na this! Natural, du’n nagaganap ang operasyong napakainit at napakasarap para sa tisoy na hunk actor!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Pero ngayon ay bistado na ang kanyang karakas, iwas na sa kanya ang mga kababaihan dahil makarelasyon man nila ang male personality, isa lang pala sila sa marami.

Huling sultada ng aming source, “Mahihirapan na siya ngayon, sa tindi ba naman ng controversy na kinasangkutan niya, e, hindi pa siya madadala?

“Aba, dapat namang may lesson siyang natutuhan sa issue na ‘yun, hindi na puwede ang mga kalokohan niya, buking na buking na siya!

“Para kasing food na daily consumption para sa kanya ang sex, napakainit ng libido ng lalaking ‘yun, grabe talaga siya!” pagtatapos ng aming impormante.

Alden ‘di lumalaki ang ulo

PANAHON ngayon ni Alden Richards. Upakan man siya nang upakan sa social media ng mga taong hindi masaya sa kanyang tagumpay ay panahon ang palaging magtatayo sa kanya.

Kakampi ni Alden ang kapalaran. Napakalaking dagdag sa kanyang popularidad ang mga positibong kuwentong nagpapalipat-lipat ng bibig tungkol sa kanyang kabutihan at pagiging humble.

Mula nang sumikat ang Pambansang Bae ay wala tayong naririnig na kuwentong suplado siya, mayabang at walang utang na loob. Nagtatagpo-tagpo ang magagandang kuwento ng ugali ni Alden.

Kami mismo ay naging saksi sa kanyang ugali, para ngang ordinaryong artista lang ang turing niya sa kanyang estado ngayon, hindi siya pinagbabago ng kasikatan.

Sinusubaybayan ngayon ng ating mga kababayan ang pinagbibidahan niyang The Gift na palalim na nang palalim ang kuwento. Napakasimpleng umarte ni Alden pero nasa kasimplehang ‘yun ang sinseridad ng kanyang pagganap.

Magsisimula na ang pinakakarne ng serye, ang pagkakaroon ni Joseph ng kapasidad na makita ang kinabukasan, ‘yun ang ugat ng titulo ng kanyang serye.

Emosyonal ang daloy ng kuwento ng The Gift, istorya ‘yun ng isang ampon na minahal at itinuring na sariling kanya ni Aling Strawberry na nagtitinda ng prutas sa palengke, hindi rin nagpapakabog sa pag-arte si Jo Berry na unang nakilala sa Onanay.

Malapit sa sinapupunan ng publiko ang kuwento, ipinakikita du’n na hindi kailangang manggaling sa tiyan ng babae ang isang anak para mabuo ang uri ng pagmamahal na walang kuwestiyon, kayang-kayang itawid nina Alden at Jo Berry ang katotohanang ‘yun.

Magtatagal pa sa industriya si Alden Richards, hindi siya ang tipo ng artistang mapapalitan agad-agad, dahil mahal niya ang kanyang propesyon at ang mga taong patuloy na nakatutulong sa kanya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy