Una sa Balita

Male personality mamaru, olats naman

0 286


Hindi lang pala ang kanyang ama ang hindi kasundo ngayon ng isang male personality. Kahit pala ang kanyang mga kapatid ay hindi rin malapit sa kanya.

Iisang dugo lang sila, pero malayo ang loob sa lalaking personalidad ng kanyang mga utol, kakaiba raw kasi ang ugali ng male personality.

Kuwento ng aming source, “May kaangasan kasi ‘yung lalaking ‘yun! Ang feeling niya, e, siya na ang pinakamatalinong tao sa pamilya nila!

“Sa totoo lang, magkakasundo ang ibang magkakapatid, puwera lang sa kanya, kasi nga, ramdam ng mga utol niya ang ka-yabangan niya!

“Hindi siya tumatanggap ng payo, dahil ang feeling niya, e, alam na niya ang lahat. Ganu’n siya ka-bossy. Kailangang under niya ang lahat ng mga utol niya!” umpisang pagdedetalye ng aming source.

Nu’ng nagsasama pa ang isang aktres at ang kanyang ama ay siya rin ang hindi kasundo ng kanyang madrasta. Pinalalampas na lang ng female personality ang kanyang kaangasan.

Balik-kuwento ng a­ming source, “May ganu’ng episode sa buhay nila ng stepmom niya. Kasi nga, palagi niyang ipinararamdam sa kahit kanino na matalino siya at alam na niya ang lahat, hindi na siya kailangang turuan pa!

“Napakalayo ng ugali niya du’n sa ibang mga kapatid niya sa ama, mga simple lang sila, marunon­g makisama, nakikinig sa mga payo, hindi tulad niya na akala mo kung sino!

“Naku, kundi lang dahil sa daddy niya na nirerespeto ng family nila, e, baka matagal nang naupakan ‘yun ng mga tao sa paligid nila na matagal nang naiinis sa kanya! Pinagbibigyan na lang ng mga ‘yun ang kayabangan niya dahil sa daddy niya!” nakataas pa ang kilay na kuwento ng aming impormante.

May hindi pagkakaintindihan nga-yon ang male personality na ito at ang kanyang ama nang dahil sa pulitika. Nagmarunong siya, hindi pinakinggan ang mga payo ng tatay niya, ano tuloy ang nangyari sa pangarap niya?

“Olat siya! Super-talo! Kasi naman, tantanan na ang pagpapanggap na alam na niya ang lahat!” pagtatapos ng aming source.

Tatalo kay Ate Vi ‘di pa ipinapanganak

Marami talagan­g Viterbo at Vi-terba (read: bitter) sa mundo ng pulitika. Wala raw kasing pulitikong natatalo, nadadaya lang, kaya kahit pa pinakain na sila ng alikabok ng kalaban ay naghahamon pa sila ng recounting.

Ang matagumpay bang marka sa pulitika ni Congresswo-man Vilma Santos ay kaila-ngan pang kuwestiyunin? Mula sa unang hakbang niya sa pulitika sa pagiging mayor, na kalaunan ay naging gobernador na ng Batangas, ay wala siyang katalu-talo.

Literal niyang pinakain ng kabiguan ang lahat ng kanyang mga kalaban. Kung anu-anong paninira na ang ginawa laban sa kanya, nagpalutang na ang kanyang mga katunggali ng fake news, pero pagdating ng eleksiyon ay nagsusumigaw pa rin ang kanyang tagumpay.

Puwede nga n­ating sabihin na hindi pa ipinanganganak ang sinumang tatalo sa Star For All Seasons sa probinsiya ng Batangas lalo na sa Lipa.

Nagsalita na ang t­aumbayan, iniluklok na nila uli sa pagiging kongresista ang aktres, kaya sana’y maluwag sa kalooban na lang na tanggapin ng kanyang mga kaagawan sa posisyon ang katotohanan.

Napakalinis ng kanyang kartada bilang lingkod-bayan, hindi siya maaaring butasan ninuman pagdating sa katiwalian, kung meron mang lulutang na kuwento ay siguradong kathang-isip lang.

Nu’n pa man ay naniniwala kami na hindi lang sa ganito ang kauuwian ng karerang pulitikal ni Congresswoman Vilma Santos. Parang nakikinita na naming isang araw ay magdedesisyon siyang tumakbong senador.

At kung mapapapayag siya ay maluwag ang daan para sa kanya papunta sa pagiging vice-president at ang pagiging pangulo.
Sa totoo lang!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy