Una sa Balita

Male personality bistado ang pamamangka sa dalawang ilog

0 730

Maraming nagtatanong kung bakit daw kaya ayaw mamatay-matay ang kuwentong nag-uugnay sa isang kilalang male ­personality at sa isang non-showbiz girl na matagal na niyang karelasyon?

Sa probinsiya ng male personality ay matagal nang open-secret ang kanilang relasyon, mula sa buena familia ang ­babaeng sinasabing ilang taon na niyang girlfriend, paano raw kaya ‘yun naitatago ng minsang naging kontrobersiyal na male personality dahil sa pamamangka sa dalawang ilog?

Kuwento ng isang source, “Meron pa ngang kuwento na kapag lumuluwas sa Manila ang girl, e, ang male personality mismo ang sumusundo sa kanya sa airport!

“Sa house daw niya nag-i-stay ang girl, nandu’n lang siya habang nagtatrabaho naman ang guy, walang nakakakita sa kanya kundi ang mga kasambahay lang ng boyfriend niya.

“Magaling magtago ang guy, kung ganu’n, dahil kung matagal na nga silang magkarelasyon, e, bakit walang lumalabas na mga kuwento tungkol sa kanila?” nagdududang umpisa ng aming impormante.

Nu’ng pumutok ang isyu tungkol sa pagsasabay ng male persona­lity sa dalawang aktres na naging napakala­king kontrobersiya  ay agad daw umuwi sa kanilang probinsiya ang aktor.

Patuloy ng aming source, “Maraming nakakita sa kanya du’n, nasa probinsiya siya sa kasagsagan ng controversy, kailangan niya palang amuin ang girlfriend niya na ­siyempre, nakabalita rin sa issue!
“Parang lumalabas tuloy na habang nag-aaway ang dalawang kampo dito, e, nasa ­probinsiya naman siya at ‘yung ­totoong girlfriend niya ang inaasikaso niya!

“Pero siyempre, hindi aaminin ng guy ang pagiging playboy niya. Idedenay niya ‘yun, kahit pa kalat na sa probinsiya nila ang mga ginagawa niya.
“Ang tanong, masyado ba siyang under ng girl, kaya siya ganu’n? Under na under ba kasi siya?” pagtatapos ng aming ­impormante.

Raket ni Morissette nabawasan
sa walkout issue

Aba, kung totoo ang mga kuwentong umiikot ngayon na maraming corporate party ang nakalampas kay Morissette Amon ay ma­laking kawalan din ‘yun sa kanya, saang anggulo mang tingnan ‘yun.

At may mga alam kaming kuwento na siya sana ang gustong kuning entertainer-performer sa maraming corporate Christmas party pero dahil sa isyu ng walkout na kinasangkutan ng maga­ling pa namang singer ay nagdadalawang-isip na ang mga ito na kunin ang kanyang serbisyo.

Mismong isang kaibigan namin ang nagsabi na malayo pa ang Pasko ay kasama na sa listahan ng mga kukunin nilang entertainers ang dalaga.

Sabi nito, “Pero natang­gal siya sa list, mahirap na raw, sabi ng head namin. Baka mangyari rin ang ginawa niyang pagwo-walkout. Baka hindi pa kasi okey ang sitwasyon ng family niya.”

Sensitibo ang sitwa­syon ng mga artista at singers, hindi nila maiiwasang mag-isip ang mga kababayan natin sa maaaring maganap, dahil nagkaroon na nga ng hindi magandang sitwasyon.

At kumusta na nga kaya ang relasyon ngayon ng female singer sa kanyang pamilya? Nagkaayos na kaya sila? ‘Yun kasi ang isinangkalan ni Morissette sa ginawa niyang pagwo-walkout sa isang concert.

Kung wala pa ring nangyayari, kung hindi pa rin sila nagkakaayos ng kanyang pamilya, ay nasayang ang imaheng matagal niya nang inaa­lagaan.
Pamilya ang ­idinahilan ni Morissette Amon, na hindi naman binibili ng mas nakararami, ang ­pagiiging diva niya ang mas lumutang na dahilan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy