Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Male model buhay hari sa dyowang matrona

0 147

Sa kawalan ng raket dahil sa pandemic, kapit sa patalim na rin ang papasikat na sanang male model.

Humingi ng saklolo ang male model sa kanyang kapatid na naka-base na sa ibang bansa. Di na raw niya ma-maintain ang nakasanayan niyang lifestyle dahil mabibilang sa kanyang mga daliri sa kamay ang trabahong dumarating.

Hindi raw tulad last year na si male model na ang sumusuko dahil na o-overbook siya sa trabaho sa paggawa ng TV commercial, runway shows at pag-host ng mga corporate event.

Pagpasok pa lang daw ng Bagong Taon noon ay fully-booked na siya for three weeks. Pero ngayon, dadalawang raket pa lang ang nakukuha niya.

Kaya bago pa umabot na kailangan niyang magbenta ng mga gamit at mapalayas siya sa nirerentahang condo unit, nag-iisip na ito ng ibang option at ang kapatid niya ang makakatulong sa kanya.

Living in style ang kapatid ni male model. Kung dati ay sagad-sagad din ito magtrabaho para mag-survive, ngayon ay para na siyang anak-mayaman na hindi na kailangan mag-work.

Lahat ng layaw nito ay nasusunod at hindi na niya kailangan magpuyat o sumipsip sa mga advertisers para kunin ang serbisyo niya noon bilang modelo.

Dinedma na rin niya ang pinirmahang kontrata sa isang TV network dahil hindi na niya feel ang umarte para mabuhay. Mga abogado na ng kanyang lover ang nag-asikaso ng lahat para walang demanda.

Salamat sa karelasyon nito na parang may balon ng pera kaya lahat ng kailangan niya ay madaling makuha na hindi kailangan magpakapagod.

Pinakilala si male model ng kanyang kapatid sa isang yayamaning socialite via video chat. Friend ito ng karelasyon ng kapatid niya at mabilis silang nagkasundo.

Ngayon ay nagsasama na raw ang dalawa sa malapalasyong bahay ng socialite sa ibang bansa.

Kahit na raw may-edad ang babae, ang importante ay maranasan niya ang buhay hari tulad ng kuya niya na role model niya simula pa noong mga bata sila. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.