Una sa Balita

MALE CELEB, NAHULING MAY KA-DATE NA BADING!

By
0 8

Dahil sa sobrang hilig mag-post ng male celebrity na ito sa kanyang Instagram account, nabuking tuloy ang matagal nang hinihinalang relasyon nito sa kapwa niya lalake.

Ilang beses nang tinanong ang male celebrity kung may gay lover ba ito? Kasi naman maintained na maintained ang lifestyle niya na pangmayaman.

May mamahalin siyang kotse, maganda ang tinitirhan na condo unit at panay ang biyahe sa kunsaan-­saang bansa. Ang nakakapagtaka ay hindi ­naman karamihan ang trabaho niya sa TV o pelikula.

Matagal nang natapos ang sinamahan niyang teleserye at ilang buwan na siyang walang taping. Sa pelikula naman, puro indie films lang ang ginagawa niya. ‘Yung huling ginawa niya ay noong nakaraang taon pa. Kaya saan daw nanggagaling ang panggastos niya?

Pero deny-to-death ang male celebrity na may gay lover siya na tumu­tustos ng kanyang mga luho. Ipon daw niya lahat iyon kaya afford niyang ­bumiyahe at bumili ng mga mamahaling gamit.

‘Yun nga lang, hindi naging maingat ang male celebrity sa kanyang pag-post sa Instagram.

May pinost ang male celebrity na photo ng isang mamahaling penthouse suite kunsaan nag-spend siya ng weekend. May kuha pa siyang nakahiga sa malaking kama at nakatingin siya sa view ng kanyang penthouse suite.

Hindi niya siguro alam na nag-post din ang nababalitang gay lover niya ng same photo. Pareho ang anggulo at pareho ang date na nakalagay.

Sa naturang photo ng rumored gay lover, halatang may humiga na roon sa kama kasi bumakat ang katawan ng humiga.

Pinagtagni-tagni ng mga usyoserong netizens ang dalawang photos at nasa iisang penthouse suite lang si gay lover at si male celebrity. ‘Yung bakat sa kama, iyon ang eksaktong posisyon ni male celebrity sa pinost niyang photo.

Noong marami na ang nag-comment at nabuking ang weekend date ng dalawa, biglang na-delete na ang mga photos sa Instagram accounts nila. Kaya sa susunod, ingat sa pag-post at kunsultahin muna ang isa’t isa bago mag-share.