Una sa Balita

Male celeb insecure na, credit grabber pa

0 742

BAKIT kaya hanggang ngayon ay ayaw mamatay-matay ang mga hindi kagandahang kuwento tungkol sa isang sikat na male personality sa kanyang hanay?

Kilalang-kilala siya sa pinili niyang linya, sinusubaybayan ng mga kababayan natin ang kanyang palabas, pero bakit sa likod ng mga camera ay hindi kagandahan ang kanyang imahe?

Pati sa linya ng kanyang trabaho ay may mga lumulutang na kuwentong makasarili at maramot ang lalaking personalidad. Binabakuran niya kuno ang network kapag may gustong pumasok sa bakuran ng kapareho rin niya ang atake.

Kuwento ng isang source, “Ang galing-galing naman niya, ‘di ba? Pero bakit nai-insecure pa siya sa mga gustong makapasok sa network na pinagseserbisyuhan niya?

“Una, kanya ba ang network? Talent lang naman siya du’n, ‘di ba? Kaya bakit hinaharangan niya ang mga may gustong makaentra rin sa istasyon nila?

“Bakit kailangang mapraning siya, e, ang ganda-ganda na nga ng position niya sa network na ‘yun, may free hand siya, kanyang-kanya ang pagdedesisyon para sa show niya?” pang-uusisa ng impormante.

May kakaiba rin kunong ugali ang male personality na ito, nakakatawa siya, totoo ‘yun, pero hindi siya nakakatuwa sa personal, sabi ng mga miron.

Isang source naman ang nagkomento, “Ay, ibang-iba siya sa personal, napakalaki ng pagkakaiba sa TV, may kasupladuhan siya! Mahina ang PR niya, wala siyang pakialam sa ibang tao!

“May sariling mundo siya, kahit tanungin n’yo pa ang mga dating nakatrabaho na niya. Saka hindi siya open sa mga suggestions!

“Kailangang ang gusto niya lang ang nasusunod, siya dapat ang hari ng balwarte niya, binabaril niya agad ang mga suggestions ng ibang mga kasamahan niya!

“Pero ang nakakatawa, ilang months lang after, e, ginagamit din naman niya ang mga ideas na isina-suggest sa kanya! Nakakaloka nga naman siya kung ganu’n, kailangang kanyang-kanya lang palagi ang kredito!” kuwento ng source.

Sa isang lugar kung saan matagal na nanirahan ang male personality ay hindi rin kagandahang mga istorya ang maririnig. Wala raw siyang utang na loob, nalunod na siya sa popularidad, kaya pati ang kanyang mga kamag-anak ay lumayo na ang loob sa kanya.

Hindi nga maganda.

Juancho mabilis uminit ang ulo

NAKALUBLOB sa kumukulong tubig ngayon ang imahe ni Juancho Trivino. Nu’ng una ay pa-blind item lang ang mga kuwento tungkol sa isang male personality na may matinding negang attitude.

Hindi raw kayang kontrolin ng male personality ang kanyang emosyon, tumatangging magserbisyo sa kanya ang mga driver ng kanilang network, dahil naninigaw-nagmumura siya.

Hanggang pati ang kanilang direktor sa serye ay napasali na rin sa blind item, minura raw ng male personality ang kapitan ng kanilang barko, dahil sa isang eksenang hindi niya makuha-kuha kaya ilang ulit na ipinagagawa sa kanya.

Kakanselahin na raw ang kanilang serye dahil malaki siyang problema ng production staff, wala raw kasi siyang kasundo, negang-nega ang laman ng mga blind items.

Hangang sa pangalanan na si Juancho Trivino, siya pala ang negang male personality na tinutukoy sa mga blind items, agaran naman siyang dumepensa.

Hindi raw totoong minura niya si Direk Monty Parungao, ang sitwasyon daw ang kanyang minura, dahil paulit-ulit na ipinauulit sa kanya ang eksena sa ulanan.

Ipinagtanggol din siya ni Gladys Reyes na kasama niya sa serye, mabait daw naman si Juancho pero misunderstood lang, sabi ng nagkokontrabidang aktres.

Hindi kasi maganda ang pinanggagalingan ng mga kuwento. Minsan nang nasangkot si Juancho sa kontrobersiya nang i-bully niya ang standee ni Alden Richards, maging sa morning show ng GMA-7 ay hindi rin positibo ang mga kuwentong maririnig, suplado at mabilis daw magalit ang male personality.

Kailangan daw niyang sumailalim sa proseso ng anger management.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy