Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Male celeb baklang-bakla kung tumalak

0 250

Kinagulat ng staff ng isang show ang pagiging talakero ni male celebrity na naging guest nila.

Nasaksihan nga nila ang pagtalak ni male celebrity nang magtanong ito kung kelan siya isasalang, pero walang maisagot sa kanya ang staff ng show.

Maaga nga naman kasing dumating ang male celebrity at nanggaling pa ito sa isang event sa probinsya. Hindi na nga ito umuwi sa kanyang bahay at nag-check in na lang sa isang hotel na malapit sa TV network para hindi siya ma-late sa call time na binigay sa kanya.

“Sinabi sa male celebrity na pagdating niya ay isasalang siya agad dahil nagmamadali rin daw ang drama actress. Pero naghintay pa ng higit sa isang oras ang male celebrity,” kuwento ng source.

Kaya para mailabas ng male celebrity ang kanyang nararamdaman na pagod, tumalak ito sa loob ng dressing room. As in, talak na para siyang dalahirang babae.

“Ngayon nagdadalawang-isip na kami sa male celebrity. Pakiramdam namin ay beki rin ito. Kasi ang talak niya, hindi normal para sa isang lalake. Ang lalake, hindi magbubunganga with matching kumpas ng mga kamay. Ang lalake ay tahimik lang at mag-walkout na lang. Pero si male celebrity, may monologue!” natatawang kuwento pa ng source namin.

Kasama sa talak ng male celebrity na aalis siya para kumain pero pagbalik niya at wala pa ang drama actress, tuluyan na raw siyang mag-walkout.

In fairness naman daw, pagbalik ni talakerong male celebrity ay nasa studio na ang drama actress at nag-sorry ito sa pagkaka-late niya. Para ngang walang mga nabitawang mga talak si male celebrity at sinabing okey lang daw iyon.

Hindi lang pala talakerang dalahira ang male celebrity kundi echosera pa! (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.