Una sa Balita

Male celeb, aamin na rin sa ‘KABAKLAAN’!

By
0 1

May isang male celebrity na pinag-iisipan na rin ang mag-out na dahil gusto niyang ipagmalaki ang kanyang non-showbiz boyfriend na matagal na niyang nililihim.

Tila na-inspire ang naturang male celebrity sa pag-amin ng dating StarStruck runner-up na si Prince Stefan noong aminin nito ang kanyang sexual preference at publicly ay may dine-date ito na guwapong lalake na nagngangalang Paolo Amores.

Parang nainggit na raw ang male celebrity na ito na matagal nang gustong mag-out pero pini­pi­gilan siya ng marami dahil baka raw maloka ang pamilya nito.

Pero ilang taon na raw itong nagtitiis sa image na hindi na siya kumpor­table. Panahon na raw na maging malaya siya at i-express na niya ang tunay niyang nararamdaman.

Haha­nap daw siya ng magandang timing. Ayaw daw niyang maki-ride on sa pag-amin ni Prince Stefan dahil ginagalang daw niya ang “bonds of sisterhood” nila.

Kakausapin daw muna niya ang kanyang pamilya para ma­ging handa ang mga ito. Kahit na matagal na nilang alam na beki siya, iba pa rin daw ang lumantad siya sa publiko.

Kung ano raw ang mangyari pagkatapos niyang mag-out, papanindigan daw niya iyon dahil ‘yun ang tunay niyang pagkatao.

Kung mawalan daw siya ng trabaho dahil sa pag-amin niya, at least nailabas niya ang matagal niyang tinatago at kaya na raw nilang mamuhay ng boyfriend niya kahit sa ibang bansa pa.

So abangan kung sino siya…