Una sa Balita

Maldito si Rosario

By
0 1,476

PINAKITA agad ni Troy Rosario ang puwede niyang i-contribute sa Gilas, mahalagang papel ang ginampanan sa 89-84 win ng Filipinos laban sa Japan sa window 2 ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa MOA Arena noong Linggo.

Hindi nakasama si Rosario, 26, sa trip ng Gilas sa Melbourne nang yumuko sa Australia 84-68 noong Feb. 22. Ina­bisuhan siya ng doktor na magpahinga muna dahil sa injury. Nasu­gatan siya sa baba nang mapasama ang bagsak sa PBA game ng TNT KaTropa noong Feb. 7.

“Troy was supposed to go with us to Australia and he’s really a part of the 12-man lineup for Australia because we needed his size,” paliwanag ni coach Chot Reyes. “But as we were evaluating even before leaving, the doctors felt it best to give him extra few days off and not get on that tough flight.”

Dahil pisikal ang Australians, ayaw isugal ni Reyes si Rosario.

“Because his problem was really concussion, we didn’t wanna take any chances,” aniya.

Kontra Japan, pagpasok ni Rosario ay nagbaon agad ng basket at sa sumunod na tip-in ay tinapos ng Pilipinas ang first quarter na dumikit sa 22-21.

Hindi pa tapos ang forward, sa kanyang 3 sa bukana ng second ay pinatikim sa Gilas ang first lead 24-22 pagkatapos maiwan ng 20-4.

Sa loob ng 11:38, tumapos si Rosario ng 14 points mula sa 6 of 9 shooting, may four rebounds pa.

Sa panalo ay angat sa 3-1 sa Group B ang Gilas, pasok na sa next round. Nasa unahan ng Filipinos ang Australia (4-0), top three lang sa bawat grupo ang aabante. (Vladi Eduarte)