Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Malditas sasabak sa AFC Qualifiers

0 8

SISIPA sa 2022 AFC Women’s Asian Cup Qualifiers ang Philippine Women’s Team na sisimulan sa Setyembre 18 sa Tashkent, Uzbekistan.

Bumiyahe na nitong nakaraang Linggo patungong Uzbekistan ang Malditas na kabilang sa Group F.

Pangungunahan ni goalkeeper Inna Palacios bilang team captain ang 22-member team habang mamumuno bilang head coach ng koponan si Marlon Maro.

Makakalaban ng national squad, ika-68 sa FIFA rankings, sa Qualifiers ang kampo ng Nepal sa Setyembre 18 at Hong Kong sa Setyembre 24. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.