Una sa Balita

Malditas binokya ang Timor Leste

0 229

TILA naging batya ang goal net para sa mga Pilipina footballer na sumalang kontra Timor Leste, 7-0, sa Asean Football Federation Women’s Championship nitong Sabado sa IPE Stadium sa Chonburi, Thailand.

Limang minuto lang ang kinailangan ng PH soccer squad para maitarak ang kanilang unang puntos, sinipa ni Quinley Quezada goal tapos mabigo ang tirada ni Alisha del Campo.

Makalipas ang walong minuto, sinundan naman ito ni Sara Castañeda, pagkaraan ay magkasunod na goal pa ang tinarak ni Camille Rodriguez para sa 4-0 lead sa tapos ng first half.

Ilan pa ang nakapagpalusot ng goal para sa ‘Pinas, dalawa ang nasungkit ni Hali Long habang may isa naman si Charisa Lemoran.

Dahil sa panalo, numero uno sa standing ang mga Pinay, 10 goal ang nasa pangalan habang wala pang nakakapuntos kontra sa kanila.

Haharapin ng Malditas ang host at defending champion Thailand sa Miyerkoles,

“I think we have to work out more on scoring chances especially playing against Thailand. It will be very hard for us, but we just have to work out with our attacking third,” ayon kay head coach Marnelli Dimzon.

(Ray Mark Patriarca)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy