Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Malaysian pinaboran ni Vince Dizon! Bata ni Cayetano yari sa P11B korapsyon

0 690

Patong patong na kaso ang isinampa kahapon sa Office of the Ombudsman laban sa mga opisyal ng Bases and Conversion Development Authority (BCDA) dahil sa maanomalyang kontrata sa pagpapatayo ng pasilidad sa Southeast Asian Games sa Tarlac City noong 2019.

Kasong paglabag sa anti- graft and corrupt practices, malversation of public funds at kasong administratibo ang isinampa ng Citizens Crime Watch Association Inc (CCWA) laban sa dating staff ni Taguig Alan Peter Cayetano na si BCDA President Vince Dizon, MTD Capital Berhad Director Isaac David, Government Corporate Counsel Elpidio Vega, BCDA Senior Vice President for Legal Services Group Atty. Elvira Estanislao at lang John and Jane Does.

Sa reklamo ni CCWA President Diego Magpantay sa Ombudsman sinabi nito na dapat panagutin ang mga BCDA officials dahil nagkaroon ng “unlawful execution” ng Joint Venture Agreement(JVA) sa pagitan ng BCDA at MTD na nangasiwa sa pagpapatayo ng P11B Sea Games Sports facilities.

Ang sports facilities na itinayo para sa Sea Games ay kinabibilangan ng aquatic center, athletic stadium kasama ang warm-up track at athlete’s village na may 500 units.

Ayon kay Magpantay nasa P8.1B lamang ang dapat na gagastusin sa proyekto subalit inabot ito ng P11B dahil sa mga insertions na ginawa ng BDCA na hindi pabor sa gobyerno kundi mas pinapaboaran ang Malaysian Firm na MTD.

Sa ilalim ng kasunduan na pinasok ng BCDA sa MTD, ang ownership ng sports facilities ay ililipat sa BCDA sa oras na makumpleto ang P11B bayad.

Iginiit ni Magpantay na sa ilalim ng JVA ang ownership dapat na maililipat sa public corporation sa oras na mag-expired ang JVA at hindi kapag nakabayad na.

Ani Magpantay, illegal ang JVA agreement na pinasok ng BCDA dahil walang opinyon na ibinigay sa kontrata ang Office of the Government Corporate Counsel.

Matatandaang una na din kinuwestiyon ng Commission on Audit(COA) ang JVA agreement ng BCDA sa MTD dahil ang kasunduan ay pasok sana sa Build-Operate-Transfer Law, kaya ang resulta ay nalugi ang gobyerno. (Tina Mendoza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.