Una sa Balita

Malaysia, Thailand sabog kina Ang, Carag, Topacio

0 261

NAKAMIT ng Pilipinas ang gold medal sa shoo­ting competition sa pe­nultimate day ng 30th Southeast Asian Games kahapon sa Ilanin Forest, Subic.

Nirehistro nina Eric Ang, Carlos Carag at Hagen Alexander Topacio ang 338 points sapat upang putukan ang gintong medalya sa men’s trap team.

Naungusan ng Phili­ppine men’s shooting team ang Malaysia na binubuo nina Bernard Yeoh, Chee Ong at Foo Chen, nilista nila ang 330 puntos para sa silver.

Napunta ang bronze medal kina Savate Sresthaporn, Yodchai Phachonyut at kornthawat ng Thailand na nagtala ng 321 puntos.

Tatlong gold medal na ang naikahon ng Pinoy shooters, nagwagi si Marly Martir sa women’s individual shooting-WA 1500 PPC.

Nakipagsanib-puwersa si Martir kina Franchette Quiroz at Elvie Baldivino para makuha ang gold medal­ sa women’s­ shooting WA 1500 PPC team.

May dalawang silver at isang bronze medal din ang inambag ng nationals­ sa medal tally para sa Pilipinas.

Nahablot nina Ditto Nestor at Celedonio Tayao ang silver medal sa men’s shooting mixed bench rest air rifle (heavy varmint) at men’s shooting­ bench rest air rifle (light varmint).

Sa men’s shooting mixed metallic silhouette air rifle galing ang bronze medal na nahablot ni Diogenes Avila. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy